KUNG GUSTO MONG UMABSENT SA TRABAHO

Sa buhay empleyado merong dalawang pagpipilian kung
tinatamad kang magtrabaho.


A. Una ay umabsent.

1. Kapag umiikot na kaagad sa katawan mo ang katamaran
pagkagising pa lang sa umaga ay mag-isip ka na kaagad
ng palusot kung bakit ka aabsent. Paalala: dapat ay
memoryado mo ang mga dahilang nagamit mo na dati (tip:
gumawa ng isang logbook) ng sa gayon ay hindi ka
parang sirang plakang nag-uulit lang lagi ng rason ng
di pagpasok. Alalahanin na tuso din ang mga bossing.


2. Kapag nakaisip ka na ng magandang dahilan ay agad
mag-text o tumawag sa bossing mo, the earlier the
better. Kung ayaw mo ng madaming tanong e mag-text ka
at kung nais mo namang tumawag ay siguraduhin mong
magaling kang umarte kagaya ng kung ikaw ay kunwaring
me sakit ay umubo ka ng paunti-unti habang kinakausap
ang bossing mo.


3. Matapos mag-text/tumawag ay bumalik sa higaan at
magplano ka na ng gusto mong gawin sa buong araw.
Malaking posibilidad na magtutulog ka lang buong araw.
Sya nga pala, kapag tumawag ang opisina sa kalagitnaan
ng araw, laging tandaan ang rasong ginamit (consistent
ka dapat), maaari namang i-off mo na lang ang phone mo
para hindi ka maistorbo buong araw.


BABALA: Siguraduhing regular ka na sa kumpanyang
pinagtratrabahuhan kung ikaw ay mag-aabsent.



B. Pangalawa ay pumasok


Eto ang dapat gawin ng mga empleyado kapag tinatamad
magtrabaho pero ayaw umabsent. Ang mga taong ito ay
nuknukan ng kapal ng mukha. Ang mga sumusunod na
instructions ay napakasimple pero effective. Meron
ding oras na nakatakda, magsisismula ng alas ocho ng
umaga at magtatapos ng alas singko ng hapon.


1. Pumasok ng sakto sa oras. Huwag kang male-late at
huwag ka din namang excited masyado. 8:00


2. Pagdating mo sa opisina ay ilapag mo lang kaagad
ang gamit mo sa lamesa at magtungo kaagad sa pantry.
Magtimpla ng kape o kung anuman ang iniinom mo pag
umaga. Habang nasa loob ay makipag-usap sa mga tao
doon, patagalin mo ang usapan (tip: pag-usapan ang mga
headline ngayong araw o mga nangyari kahapon sa loob
ng opisina). Kung walang tao sa pantry ay mag-yaya ka
ng kasama bago pa man pumasok doon. 8:00-8:30


3. Matapos sa pantry ay magtungo na sa lamesa mo
dala-dala pa din ang kape, ito ay para hindi ka
antukin buong araw. Buksan ang computer. Matapos nito
ay buksan ang mailbox mo. Basahin ang mga
email...mapabago man o luma. Buksan lahat ng pedeng
buksang attachments, makakabuti ito sa pagpapatagal ng
oras. O kaya naman ay mag-email ka sa mga kakilala
mong matagal mo ng di nakakamusta. Kapag di ka pa
nakuntento ay gawing chat ang email (ito ay sa
kadahilanang banned na ang halos lahat ng messengers
sa mga kompanya...pati google talk di pinalagpas, mga
hayop na IT yan). Pano? Mag-email ka sa kakilala mong
alam mong merong access sa internet sa mga oras na yon
tapos antayin ang reply...wholla! Instant chat
session.. Sya nga pala, habang ginagawa ang mga nasa
taas ay huwag makakalimot inumin ang kape..lalamig
ito.

8:30-9:30


4. Matapos ang makabuluhag paggamit ng computer ay
magdala ng mga papel-papel at magtungo sa kung saan mo
man nais. Mas maganda kung mukha kang aborido hawak
ang mga props mo habang papaalis ng lamesa, ito ay
para sabihin ng bossing mo sampu ng kasamahan mo sa
trabaho na busy ka lagi. Magtungo sa ibang department
na me kakilala at makipag-usap ng kung anu-ano.


9:30-10:00


5. Tignan mo nga naman. Alas dies na! Break time na
ulit! Pagkatapos mag-lamyerda sa ibang department ay
magtungo ulit sa puwesto at ibaba ang mga scratch
paper na props. Dalhin ang tasa sa pantry at magtimpla
ulit ng panibagong kape, libre ang kape kaya magtimpla
ka lang ng magtimpla. Magtungo sa labas kung ikaw ay
nag-yoyosi kung di naman ay manatili sa pantry at
makipag-usap ka na lang sa mga tao doon.

10:00-10:15



6. Pagkatapos ng break ay bumalik sa lamesa at humarap
sa computer (huwag ng magdala ng kape sa lamesa...tama
na ang nainom mo, sisikmurain ka na sa sobrang
gahaman). Tapos ka na sa mga emails mo, ngayon naman
ay mag-internet ka na lang ng kung anik-anik. Pero
bago mag-internet ay magbukas ka muna ng office
document kahit wala kang balak gawin ang mga ito,
makakatulong ang documentong ito mamya. Tapos ay
mag-internet ka na. Paalala: dapat ay alerto ka sa mga
tao sa paligid mo, kapag alam mong me padating
pindutin ang ALT at TAB ng sabay. Ito ay para
makapunta sa office document na binuksan mo kanina.
Kung mabagal ang iyong reflexes ay dapat mabilis ka sa
paggamit ng mouse para ma-click mo agad sa taskbar ung
documentong nasabi. Kapag na-master mo na ang
technique na ito ay di na mapapansin ng bossing mo na
nag-iinternet ka lang sa mga oras na ito.

10:15-12:00



7. Tama na muna ang computer. Lunch break na! Alam mo
na ang dapat gawin.

12:00-1:00



8. Pagkatapos kumain ay gawin ulit ang #6. Habang
gingawa ito ay maglabas ulit ng mga scratch papers na
para bang me hinahanap. Tandaan na dapat seryoso ang
mukha mo habang gingawa ang mga ito (tip: ikunot ang
noo para makakuha ng mukhang seryoso).

1:00-3:00



9. Break time na ulit. Ang bilis nga naman ng oras.
Hala..punta na ulit sa pantry. Maaari ka na ulit
mag-kape at makipag-chikahan.

3:00-3:15


10. Bumalik sa lamesa at guluhin ito sa pamamagitan ng
paglabas ng sandamakmak na mga papel. Tapos ay gawin
ulit and #5. Tignan ang oras sa computer mo. Kung 4:30
na ay simulan mo ng ayusin ang ginulong lamesa.
Mag-ayos ayos ka na din ng sarili. Kung kasing kapal
ng adobe ang mukha mo ay magtungo ka ulit sa pantry
para mag-kape (tandaan na dapat me kasama sa pantry) o
kaya naman ay gawin ang #3. Matapos ang lahat ng ito
ay umuwi ka na, para mo ng awa...wala ka na ngang
silbi ay nangdadamay ka pa ng iba sa katamaran mo.

3:15-5:00



BABALA: Wag mong ipapabasa ito sa bossing mo kung ayaw
mong mawalan ka ng trabaho.


  1. Anonymous Says:

    ahehehehehe

  1. Unknown Says:

    Gusto kong umabsent kase may aattenan ako... kaso probi palang ako! Di ako pinayagan ng boss ko. Ano ba magandang dahilan? T_T

  1. Unknown Says:

    Gusto kong umabsent kase may aattenan ako... kaso probi palang ako! Di ako pinayagan ng boss ko. Ano ba magandang dahilan? T_T

  1. Anonymous Says:

    luma n pla etong thread n 2.. gusto ko sna magtanong bka meron mka help skin ng pwede ko idahilan.. OFW kc ako at kka avail ko lng ng annual leave ko nung july etong taon n eto.. ngaun gusto ko sna umuwi s ktpusan, bday kc ng anak ko. at dhil mura ung ticket nagbli ako... kaso dko mlman kung pno ako magppaalam.. actually 5 days lng nmn ako magaabsent gusto ko lng tlg andon ako s bday ng anak ko.. bka pde nmn me idea kung ano pde ko idahilan pra s emergency leave ko.. ung boss ko medyo mahirpa lsutan,, dpat e super seryoso ng dahilan.. ayko nmn magdahilan ng me sakit o kung ano p man.. thanks

  1. Kamusta jan sa mga abseneros ng 2022,
    Pandemic
    -Nagbantay ng kapatid
    -Nagbayad ng amilyar
    -Nagpacheck-up (May med cert to)
    -Masakit ang likod,batok,ulo etc.
    (old but gold)(kahit ano basta wag symptoms ng pandemic)
    -Gagamitin ung healthcard para magpacleaning ng ngipin
    -magbabayad ng utang sa Co-op
    -bibili ng niresetang gamot para sa __
    -Maglilipat ng gamit ng bahay(lipat bahay)

    8months regular
    15 absences and counting hehe XD

  1. Btw, X ung magpacleaning ng ngipin HAHAHAHA DA ako ngayon

Leave a Reply

About Me

My photo
Angeles City, Philippines
Tell me what you need, and I'll tell you how to get along without it.

Followers

Chatbox