PAMBASAG YELO!


Kodigo


Nahuling may kodigo ang estudyante...
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

Alimasag

Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at
nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"

GMA

Dumalaw si GMA sa mental hospital...
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!

Mamili ka

Mister: Anong tanghalian natin?
Misis: Nasa mesa! Bahala ka nang mamili!
Mister: Isang tuyo?! Anong pagpipilian ko?
Misis: Mamili ka... kakain ka o hindi?

Plantsa

Dok: Ano'ng nangyari sa tenga mo?
Joshue: Nama-mlantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono. Aksidenteng
na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Joshue: Ang gago, tumawag uli

 Minsan

Minsan, sa aking pag-iisa, naalala kita...
Inisip kong nasa tabi lang kita at tayo'y nagsasaya. Tapos, bigla kang
umalis.
Nalungkot ako.
Akala ko, iiwan mo na ako. Uutot ka lang pala, tinakot mo pa ako!

PALIMOS

Pulubi: Palimos po, maawa na kayo.
Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko
ang nangyayari sa taong walang bisyo.

ALITAPTAP

Anak: 'tay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagkapatay ng ilaw, dumating naman ang mga alitaptap.)
Anak: Hala ka, 'tay, nagdala sila ng flashlight!

SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao?
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki?
Waitress: Oho, may itlog po sa loob





  1. Anonymous Says:

    Anak umuwe ng bahay (galit)

    anak: nay pinapatawag kayo sa opis .
    Nanay: bakit? May ginawa ka nanamang katarantaduhan?
    Anak: ako ba?! Baka ikaw, ikaw pinapatawag di ba?

  1. Anonymous Says:

    ako meron ako isa!

    Anak umuwe ng bahay (galit)

    anak: nay pinapatawag kayo sa opis .
    Nanay: bakit? May ginawa ka nanamang katarantaduhan?
    Anak: ako ba?! Baka ikaw, ikaw pinapatawag di ba?

  1. Anonymous Says:

    anak umuwe ng bahay(natuwa)

    anak:nay pinapatawag po daw kau ng princple sa aming paaralan
    nanay:alangan ba na man sa opisina
    anak:sabi po ng princple pumunta daw kau dun bukas(natutuwang sabihin sa ina)
    nanay:alangan ba naman sa susunod na bukas
    bakit ba kac pinapupunta ako ng princple sa paarlan nyo?
    anak:ewan ko ba d ako pinapupunta eh
    nanay:cge pupunta ako bukas
    anak:ay hindi ma sa susunod na lng

  1. Anonymous Says:

    Mabango ka naman Nene eh...Ano bang perfume mo?

    Vice Ganda: Passion

    B: Passion??

    Vice Ganda: Downy Passion Akala mo lang Perfume...Ikaw din naman.Ang bango bango mo! Amoy "CK" ka!

    B: Wow! Calvin Klein?? Ang sosyal naman nun..

    Vice Ganda: Hindi..."CAMOTENG KAHOY"


    ~*~


    Ryan Bang: Bonga Yan...Ang ganda ng Patos(sapatos)...ang ganda
    pero eto mejo kulang eh. (sabay turo sa mukha ni Vice ganda.)

    Vice Ganda: Yung pes ko talaga ang kulang ah.Pero ikaw ang gwapo mo. Yung mukha mo "DIETHER"

    Vhong Navarro: DIETHER OCAMPO??

    Vice Ganda: Hindi...DIETHER-AGENT BAR!



    ~*~



    "Ako kailanman man hindi ko ata mararanasan ang kasal. Kaya sa mga lalaking may gusto. Ako na ang PAGASA ninyo. Wala kayong gagawin. Sasama lang kayo sa akin. May sweldo pa yan. ABOVE MINIMUM at may SSS pa! Pag nagkasakit may pang-PHIL HEALTH ako. Basta ako ang Beneficiary ng PAGIBIG FUND mo."

Leave a Reply

About Me

My photo
Angeles City, Philippines
Tell me what you need, and I'll tell you how to get along without it.

Followers

Chatbox