ANG SULAT KAY ANAK


Dear Anak,


Naipadala ko na ang P150, 000.00 na tuition fee mo para sa buong taon ng 2007 hanggang 2008, pinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N95, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 9 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun? Mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla palang namin ang 2 hektaryang palayan natin para mabili mo na yong instrumentong I-POD, ALIENWARE LAPTOP, WEBCAM at DIGICAM na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Anak komportable kaba dyan sa boarding house mo saan ba kamu yan sa VICTORIA COURT maganda ba dyan di ba mainit jan. Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? Mataas ba nakuha nyo na grado dun?

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, limang taon ba talaga ang kurso mo sa IT TECHNICIAN?, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian natin sa sanglaan. ay sya nga pala anak diba sabi mo sa PEGASUS at ZIRKOH ka palagi kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na FX sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.

Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera na pambili mo ng HONDA CRV na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.


Ang nagmamahal
Itang at Inang

P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.


Leave a Reply

About Me

My photo
Angeles City, Philippines
Tell me what you need, and I'll tell you how to get along without it.

Followers

Chatbox